Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Litratong Pinoy 81: Amoy (Smell)


Smells delicious huh?! It's not just smells delicious but of course, taste delicious. This is the best seller of my favorite restaurant. The staff have very good service.

~~~

Amoy masarap dba?! Hindi lang amoy masarap syempre, masarap talaga. Ito ay ang best seller sa paborito kong restaurant. Napakaganda ng serbisyo ng mga staff nila doon.


I've been here many times and the experience and the plate is always the same. Worth every visit. Lolz!

I will tell more on this restaurant on my next post for those who want to share the same experience I had.

These are my entries for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Maraming beses na akong nakakain dito at ang karanasan at ang plato ay pareho pa rin. Sulit and bawat bisita.

Iba-blog ko ang tungkol sa restaurant na ito sa mga susunod ko pang posts para sa mga gustong magbahagi ng kanilang karanasan.

Ito ang aking mga lahok ngayong linggo sa Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 80: Sinop (Neat)





I admit I'm not the type who is very proper and organize when it comes to my personal belongings. Instead of being a liar and posting picture doesn't describe me, I choose to be honest. I'm the total opposite of this week's theme. The above pictures is how my workplace looks like.

These are my entries for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Aminado ako hindi ako yung tipong masinop at maayos sa mga gamit ko. Sa halip na magsinungaling at magpakita ng larawang hindi naman talaga ako, pinili kong maging totoo. Kabaligtaran talaga ako ng tema natin ngayong linggo. Ang mga larawan sa itaas ay ang aking magulong lamesa.

Ito ang aking mga lahok ngayong linggo sa Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 75: Karatula (Signboard)


This is one of the signboard I see everyday on my way and out of the office. This is located in the corner of Onyx and Sapphire Roads in Ortigas. You will find our office in this intersection as well. This is where I wait for a public transport to Robinson’s Galleria on my way home. It was a rainy afternoon at it so hard to get a ride. I took some pictures while I wait. I’m holding the umbrella on my left, the camera on my right and a big heavy bagpack on my back. Imagine my hardship just to get a nice picture! But I got no regrets because I got entries for this week’s theme.

~~~

Eto ang isa mga karatulang halos araw-araw kong nakikita papasok at pauwi ng opisina. Makikita ito sa kanto ng kalye Onyx at Sapphire sa Ortigas. Sa kantong ding ito nakatayo ang gaming opisina. Sa kantong din ito ako naghihintay ng FX papuntang Robinson Galleria papauwi. Isang maulang hapon iyon at sa sobrang hirap sumakay. Naisipan kong kumuha ng ilan larawan. Hawak ko ang payong sa kaliwa kong kamay, ang camera sa aking kanang kamay at isang malaki at mabigat na tampipi sa aking likuran. Isipin ninyo ang hirap ko non! Ngunit wala namang pagsisisi sapagkat nagkaroon ako ng lahok para sa linggong ito.

~~~


This is another picture I took before we cross the street on the way to Quirino Grandstand to Manila Ocean Park. When I was young, I really don’t know what does “Ped Xing” means. I thought it’s a name of a famous personality and the street was named after him. My curiosity attacks me and I noticed that there are different streets named after him! I asked my mother who the hell is “Ped Xing” and why there are so many streets named after him. That’s when I knew that “Ped Xing” is not a celebrity; it’s a short notation for “Pedestrian Crossing”. It was fun remembering those times. Lol!

These are my entries for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~


Ito pa ang isa sa mga nakuhanan kong larawan habang patawid kame papuntang Quirino Grandstand papuntang Manila Ocean Park. Nung bata pa ako, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng “Ped Xing”. Akala ko ay pangalan ng isang kilalang personalidad at ipinangalan sa kanya ang kalyeng iyon. Napuna ko na sa iba’t ibang lugar pala ay may mga lansangan din na “Ped Xing” din ang karatula. Nagtaka ako non. Tinanong ko ang nanay ko kung sino ba si “Ped Xing” at bakit ang daming lasangang pinangalan sa kanya. Doon ko lang nalaman na hindi pala siya isang personalidad, shortcut pala iyon para sa “Pedestrian Crossing” o sa simpleng salita, tamang tawiran. Natatawa na lang ako pag naaalala ko iyon. Hahaha!

Ito ang aking mga lahok ngayong linggo sa
Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 74: Lansangan (Street)


Power Outage + Boredom + Walk + Camera = The above picture

Very simple but detailed, right? Lol!

This is my entry for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Brown out + Boredom + Gala + Camera = Ang larawan sa itaas

Payak ngunit detalyado, dba? Hahaha!

Ito ang akinglahok ngayong linggo sa Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 73: Lakad (Walk)

More pictures here.

This is the most memorable summer I had. Two reasons why are first: this is my first outing with my college classmates; second: it also serves a celebration since I finished schooling.


The pictures above were taken in Pakil, Laguna as we walk to reach the top of the Mt. Pingas. Funny thing about this is that we climb the mountain without any mountaineering tools, just breakfast!


Walking consumes almost all of my energy before I reach the top. Two of my friends decided to stay with me halfway out journey to the top. We were really broke that day! We just enjoy the relaxing ambiance and breathtaking views thousand of feet above the ground while waiting for the other to climb down.


I may never reach the top but my camera did! =]


These are my entry for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Ito ang pinaka di ko makakalimutang bakasyon. Dalawang dahilan ay una: ito ang unang lakad ko kasama ang mga kaklase ko sa kolehiyo; pangalawa: ito na rin ang aming naging selebrayon dahil nakatapos na kami ng aming pag-aaral.

Ang mga larawan sa itaas ay kuha sa sa Pakil, Laguna habang naglalakad kame paakyat ng Mt. Pingas. Nakakatuwang isipin na wala kameng dalang kahit na anong gamit sa pag-akyat kundi almusal lang.

Sa paglalakad pa lamang ay halos maubos na ang lahat ng lakas ko bago ko pa maabot ang tuktok. Dalawa sa mga kaibigan ko ang nagdesisyong samahan ako magpahinga. Halos nangangalahati na rin kame pero di na talaga namin kaya. In-enjoy na lang namen ang napakagandang lugar at tanawin ilang metro mula sa ibaba habang hihintay ang iba na makababa.

Hindi man ako nakaakyat sa taas pero ang camera ko... nakaakyat! =]

Ito ang aking mga lahok ngayong linggo sa
Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 72: Hapunan (Dinner)


This is my delicious dinner, Beef with Brocolli. This is one my favorites because every restaurant I went to, they have this cuisine. Either Filipino, Asian or Western restaurants, they have it. Why do I like this? It’s pretty simple. This viand is balanced. It has beef and nutritious vegetables. Perfect to a person with a big appetite and to those who are on diet. Even serve everyday that is totally fine with me. The catch, the ingredients are very expensive like the beef and the broccoli.

~~~

Ito ang masarap na hapunan ko, Beef with Broccoli. Isa ito sa mga nagging paborito ko dahil halos lahat ng restaurant na puntahan ko ay meron nito. Mapapinoy man, Asian o Western restaurants, meron. Paano ko to nagutuhan? Simple lang. Balanse kasi ang ulam na ito. Merong karne ng baka at masasarap na gulay. Swak sa mga gutom na gutom at sa mga nagdidiet. Kahit araw-arawin, ayos lang. Yun nga lang, masyadong mahal ang mga rekados na karne ng baka at broccoli.

~~~


Beef with Broccoli is perfect to match with Shrimp Rellanado (left) and Fried Chicken (right). F r those who are asking what Shrimp Rellanado is, this is shrimp covered with ground pork and vegetables. Of all the side dishes we had before, this is the most delicious. This is quite expensive just like Beef with Brocolli that’s why we only had limited number to serve.

These are my entry for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Masarap samahan ng Hipon Rellanado at Fried Chicken ang Beef Brocolli. Para sa mga nagtatanong kung ano ang Hipon Rellanado, ito ay hipon na binalutan ng giniling na baboy at gulay. Sa lahat ng side dish na handa namen non, ito ang pinakamasarap. Medyo mahal din ito tulad na ng Beef with Brocolli kaya iilang piraso lang ang nabili namen.

Ito ang aking mga lahok ngayong linggo sa
Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 71: Meryenda (Snack Break)


The image above was taken on the birthday of my grandmother. Of all the meals, Lumpiang Shanghai was the only leftover.

Lumpia again! It’s pretty obvious what my favorite foods are! Lol!

Going back, someone forgot to serve this meal that’s why it was untouched. It was sooner when we realize when all of us were full. Lol! Because this is the only leftover, we enjoy the food as our snack later that afternoon.

~~~

Ang larawan sa itaas ay kuha noong kaarawan ng aking lola. Sa lahat ng handa, tanging ang Lumpiang Shanghai ang natira.

Lumpia na naman! Napaghahalataan ang mga paborito ko! Hahaha!

Nakalimutan kasing ihain ang putaheng ito noong tanghalian kaya halos walang bawas. Nalaman na lang namen na may lumpia pala noong busog na kameng lahat. Hahaha! Dahil nga sa ito na lamang ang natira, ito ang pinagsaluhan namen bilang meryenda kinahapunan.


~~~


Another favorite snack of mine were the donuts I took home for my siblings and cousins. This is the Krispy Kreme Doughnuts. Even though every piece is expensive, I never regret buying it because it’s really delicious. Notice on the picture that there are two missing doughnuts. My sister is very excited and can't resist it. She's at her second before I took the picture! Lol! Everyone is very happy of the doughnuts and that’s why I took home dozens of doughnuts again.

These are my entry for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Isa pa sa naging paborito kong meryenda ay ang donuts na binili ko bilang pasalubong para sa mga kapatid at mga pinsan ko. Ito ay ang Krispy Kreme Doughnuts. Bagamat mahal ang isang piraso ay di ako nanghinayang dahil masarap naman talaga. Pansinin ang larawan at mapapansin na kulang na ito ng dalawa. Sobrang excited ang kapatid ko at di niya mapigilan. Nakakadalawa na sia bago ko pa man makuhanan ng larawan. Hahaha! Tuwang-tuwa ang mga kapatid at mga pinsan ko sa dala kong pasalubong kaya naman naguwi ulit ako ng ilang dosena ng donut.

Ito ang aking mga lahok ngayong linggo sa
Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 70: Tanghalian (Lunch)


The image above is my special picture and lunch. This is Lumpiang Sariwa. It’s special not just because this is one of my good shots but also because I was eating with my family in one of the famous restaurants. It’s very rare that we get together and go out that’s why everything is special and memorable.

I love eating vegetables. I was a very good kid when I was young everytime my mother serve vegetables. Freedom on playing outdoors every afternoon is my prize for eating vegetables. Lol!

This is my entry for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Ang larawan sa itaas ay ang aking espesyal na larawan at tanghalian. Ito ang Lumpiang Sariwa. Espesyal ito hindi lamang dahil sa isa ito sa mga magaganda kong kuha kundi dahil kasalo ko ang aking pamilya sa isang sikat na restaurant. Napakadalang mangyari na kami'y lumabas magkakasama kaya't lahat ng bagay ay nagsisilbing espesyal at di malilimutan.

Mahilig ako sa gulay. Naging masunurin ako nung bata sa tuwing magpapakain ang aking ina ng gulay. Isang malayang paglalaro sa kalsada tuwing hapon ang aking gantimpala sa pagkain ng gulay. Hahaha!


Ito ang aking lahok ngayong linggo sa
Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 69: Almusal (Breakfast)


This is my favorite combination in the morning: a bowl of spaghetti (that I bought from our neighbor), some
pandesal and a glass of iced tea. Its been a while since I tasted the complete meal and the last was after I took this picture. Since I started working, I always take my breakfast in our office canteen. They don't have spaghetti in there. So I make it a point to at least buy a packed spaghetti from our neighbor before I go to office. In that way, I can still have my favorite breakfast to start the day.

This is my entry for this week on
Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~


Ito ang paborito kong kombinasyon sa umaga: isang mangkok ng spaghetti (na binili ko sa kapitbahay namen), ilang piraso ng pandesal at isang basong iced tea. Napakadalang ko ng matikman ang buong kombinsyon at ang huli nga ay pagtapos kong kuhaan ito ng litrato. Mula ng magtrabaho ako, halos araw-araw sa kantina ng opisina na ako nagaalmusal. Wala silang spaghetti don. Kaya naisipan ko na lang na kahit spaghetti na lang ay makapagbaon at maabili ako bago ako pumasok sa opisina. Sa ganung paraan, matitikman ko pa rin ang paborito kong almusal sa umaga.

Ito ang aking lahok ngayong linggo sa
Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 68: Proteksyon (Protection)


The image above shows some anti-stress tablets. At first glance, you may think that this is a condom… but it’s not! I’m wholesome, so as my blog, lol!

Because of too much busyness on my work, stress can’t be avoided that can make the body vulnerable to any kinds of illness. It’s really a no-no not to have a protection against sickness that will disturb my work. My monthly salary will be affected for every day I won’t report to the office. Therefore, for all seasons, being sick is prohibited!


One more proof of me being a busy professional is my simple entries. I really should go on a vacation, lol!


This is my entry for this week on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng ilang anti-stress na tabletas. Sa unang tingin, aakalaing mong ito ay condom... pero hinde! Wholesome ako tulad ng aking blog. Hahaha!

Sa sobrang abala ko sa trabaho, hindi maiiwasan ang sobra-sobrang stress na nakakapagpahina ng resistensiya ng katawan – dahilan upang mas madaling tamaan ng sakit. Hindi maaaring wala akong proteksyon laban sa mga sakit na maaaring makaantala sa aking paghahanapbuhay. Mababawasan pa ang aking kikitain sa bawat araw na liliban ako sa pagpasok sa opisina. Kaya sa lahat ng panahon, bawal magkasakit!

Isa na rin sigurong patunay ang pagiging abala ko sa trabaho ang mga payak kong lahok. Kailangan ko na rin siguro ng bakasyon. Hahaha!

Ito ang aking lahok ngayong linggo sa Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 67: Nakakakilabot (Terrifying)


The image above was taken at my friend’s place when we saw each other and have some fun. I was helping a friend while she’s vomiting when this little creature show up in the scene. Since I was a little bit drunk and tipsy, the little creature doesn’t escape my naughty mind. Lol!

When I was a kid, I really fear cockroaches. When I saw a flying cockroach, the whole family will freak-out because of the disturbance I created. Most especially when a cockroach lay its feet on me! Ew! It was really a terrifying experience! Even now that I’ve grown up, nothing’s change, I’m always terrified when I saw even just one piece of cockroach.

This image is my second entry on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Ang larawan sa itaas ay kuha sa bahay ng aking katropa nang minsan kami’y nakitakita at nagkasiyahan. Kasalukuyan kong inaalalayan ang isang kaibigan habang siya ay nagtatawag ng uwak (sumusuka) sa palikuran nang magpakita ang munting nilalang na ito. Dahil na rin sa nakainom at medyo tipsy na, hindi ito nakatakas sa kakulitan ko. Hahaha!

Bata pa lang ako ay likas na akong matatakutin sa ipis. Kapag nakakakita ako ng lumilipad na ipis ay tiyak na mabubulabog ang buong kabahayan dahil sa ingay na gawa ko. Lalo na kapag dinapuan ako! Ew! Nakakakilabot naman talaga! Hanggang ngayong matanda na ako, wala pa ring nagbago, kinikilabutan pa rin ako pag nakakakita ako ng ipis.


Ito ang aking ikalawang lahok sa Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.

Litratong Pinoy 66: Tuyo (Dry)


The image above was taken from a clothes line in our backyard. I just finished collecting our dried clothes by that time - thinking of taking some pictures of our little backyard. Then the clothespin hanging on our clothes line caught my attention. These little things are great help in getting our wet clothes dry. The clothes were not in the picture anymore. I’ve just collected those because those are already dried.

This picture is one of my many favorites and holds sentimental value. This is the very first pictures taken using my camera. I’m glad because I realize that being photographer is quite difficult. You need to take an image showing not only the physical attributes of a certain thing or person but also the emotions or feelings portray by that thing or that person. For a beginner, I was happy that in my opinion, I did that and it shows in this picture. That’s why I’m sharing the world my very first shot because for me, this is something to be proud of.


This image is my very first entry on
Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.

~~~

Ang larawan sa taas ay kuha sa aming sampayan sa likodbahay. Katatapos ko lang hanguin ang mga natuyong sinampay namen non. Naisipan kong kumuha ng mga larawan ng aming munting bakuran. Hanggang sa napansin ko nga ang mga nakabiting sipit sa aming sampayan. Malaking tulong din ang mga mumunting bagay na ito sa pagpapatuyo ng ating basang kasuotan. Wala na ung mga damit kasi nahango ko na. Tuyo na kasi sila.


Ang larawang ito ay isa sa marami kong paborito at nagtataglay ng sentimental value. Ito ang kauna-unahan larawang kuha sa aking camera. Natuwa ako kasi hindi ko akalain na mahirap rin pala ang maging photographer. Kailangan mong palabasin sa larawan hindi lamang ang pisikal na katangian ng isang bagay o tao kundi pati ang emosyon o damdaming nakapaloob sa bagay o tao na iyon. Para sa isang baguhan, masaya ako dahil sa tingin ko nagawa ko un at makikita sa larawang ito. Kaya ibinabahagi ko sa lahat ang aking unang kuha dahil para sa akin, maipagmamalaki ko ito.


Ito ang aking unang lahok sa
Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.